0
ADS
Isang entrapment operation ang isinagawa ng Paranaque City Mayor's Action Team, at makikita sa VIDEO na ito ang pag-akbay ng isang lalaki sa kasama nyang babae at hinalikan pa nya ito. Ang lalaki sa VIDEO ay isang guro sa pribadong eskwelahan sa Paranaque, at ang babae ay ang 15-anyos na estudyante nya.

Kwento ng ina ng estudyante na si Aling Marife, minsang nabasa nya ang cellphone ng anak at napansin nya ang text message ng isa sa lalaking naging teacher nito na ikinagulat nya.

"Namimiss kita, mga ganyan. Kaya sabi ko umamin ka magsabi ka ng totoo. Sinabi nya na may nangyari na nga pero noon pang last year na yun." Ayon kay Aling Marife.

Dito na napilitang umamin ang estudynte. Naging P.E. teacher nya ang suspek na si Kirk Patrick Ferrer noong school year 2014-2015 ng sya ay 14-anyos. Pagkabakasyon, nagbukas ng volleyball summer clinic si Ferrer at nag-enroll ang estudyanteng biktima.


Pero ayon sa estudyante, minsan nagpasama sa kanya si Ferrer sa kanyang bahay para kuhanin ang bola at doon umano nangyari ang paghahalay.

"Madami kami, ibat ibang school kasali doon, hanggang sa nag-iisa na lang ako, nagtataka ako bakit. Pinilit nya ko umakyat sa kwarto nila, pinilit nya ko, natatakot ako." ayon sa estudyante.

Naulit pa ng 2 beses ang panghahalay sa estudyante. Hindi makapaniwala si aling Marife sa sinapit ng kanyang anak sa kamay ng kanyang teacher. Nagtiwala daw sya sa teacher at minsan magkakasama pa silang kumain kaya hindi nya akalain na magagawa nya yun sa kanyang anak. Single parent si Marife sa tatlong anak kaya ganun na lang kasakit ang nangyari sa kanya. 

Ayon naman sa suspek, may relasyon sila ng kanyang estudyante. Naging close daw sila at nagkadevelopan. Ngunit ang estudyante na ang naglakas loob na isuplong sa pulisya ang teacher nya.

Sasampahan ng tatlong kaso ng panggagahasa at paglabag sa R.A. 7610 ang suspek.


Source: PinoyViralIssues
ADS

Visit and follow our website: We Blog Ph

© We Blog Ph

Loading...

Post a Comment

 
Top