0
ADS


Ibinunyag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre kung paano naipupuslit at niluluto ang shabu sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ayon kay Secretary Aguirre, may nagpaabot sa kanya ng impormasyon na sa isang tunnel sa loob mismo ng Bilibid niluluto ang shabu. Aniya ay ito ang susunod nilang iimbestigahan.
Mayroon umanong lumapit sa DOJ at nag-alok ng isang teknolohiya kung paano matitiktikan ang nabanggit na lungga.
“Meron pong tunnel, meron po, may nagbanggit na sa akin niyan, meron tayong technology to determine kung meron talaga at kung nasaan ang tunnels,” ayon kay Aguirre.
Isa pa sa mga isiniwalat ni Aguirre ay ang pagpasok ng shabu sa loob ng Bilibid sa pamamagitan ng mga bottled mineral water.
Aniya, napakaraming tubig na nakabotelya na may halong shabu ang pumapasok sa Bilibid. Ang mineral water ay pakukuluan hanggang mag-evaporate ang tubig at ang matitira – o iyong tinatawag na precipitate – ay shabu na siyang ibinebenta sa loob ng NBP.
“Iyung pagpasok nila ng napakaraming bottled water diyan, iyun po ay kanilang iinitin at iyung tinatawag nating precipitate, iyung matitira — iyun po pala ay shabu for internal consumption diyan sa loob,” pagbubunyag ni Aguirre.
Dahil sa mga natuklasan, tinawag ni Aguirre na pinaka-corrupt na ahensya ng gobyerno ang NBP. Aniya, ang lahat ng jail guards sa NBP ay sumailalim na sa re-training at re-orientation. Ang Special Action Force o SAF ng Philippine National Police ang pumalit sa kanila.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Aguirre na pagkatapos makumpleto ng mga jail guards ang refresher course ay itatalaga sila sa ibang prison facility at hindi sa Bilibid.
Source :
ADS

Visit and follow our website: We Blog Ph

© We Blog Ph

Loading...

Post a Comment

 
Top