0
ADS

Muling inulit ni Sen. Leila de Lima na handa siyang bumaba sa puwesto at magpabaril sa harap ng pangulo kung mapapatunayan ng pamahalaan na sangkot siya sa sindikato ng droga.
Sa kanyang ipinatawag na press conference sa Quezon City, sinabi ni de Lima na kailanman ay hindi siya sumawsaw sa illegal drug trade.
Kanya ring binigyan-diin na hindi siya matatakot sa kabi-kabilang mga banat sa kanya ng administrasyon at itutuloy niya ang imbestigasyon sa Senado kaugnay sa mga kaso ng extra judicial killings sa bansa.

Ayon pa kay de Lima, totoong nabigo siyang patunayan ang kaugnayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao Death Squad dahil ayaw pumirma sa kasulatan ng ilan sa kanyang mga nakausap na magpapatunay sana dito.
Pero hindi ito nangangahulugan na walang alam ang pangulo sa mga patayang nagaganap kahit na noong siya’y mayor pa lamang ng Davao City.
Nagpasalamat rin ang mambabatas sa mga suportang tinatanggap niya sa kabila ng mga personal na banat sa kanya ng pangulo.


Source: FilipinewsInfo
ADS

Visit and follow our website: We Blog Ph

© We Blog Ph

Loading...

Post a Comment

 
Top