0
ADS


Sinabi ni Secretary Of Justice Vitaliano Aguirre na ang IMBESTIGASYON kaugnay ng DRUG TRAFFICKING sa New Bilibid Prison ay HINDI MAGTATAPOS sa pagkakasangkot ni Senadora De Lima. May mas MATATAAS pa raw. Ang mga amo ni dating Secretary of Justice Leila De Lima sa nakalipas na pamahalaan ay sila dating Presidente Noynoy Aquino, dating Executive Secretary Jojo Ochoa at dating Senate President Franklin Drilon. Paulitulit naman itinuturo ni Pangulong Duterte ang mga DILAWAN na nanggugulo at pilit na pinatutumba ang kaniyang pamahalaan. Kasalukuyang may mga pagdinig sa Mababang Kapulungan (Lower House of Congress) kung saan ang mga TANYAG na preso sa Pambansang Kulungan ay nagdadawit kay dating Justice Secretary De Lima na nakipagsabwatan sa DRUG LORD na si Jaybee Sebastian upang durugin ang mga KALABAN sa NEGOSYO para mapasakaniya ang BUONG DRUG TRADE sa piitan. BILYONG PISO ang perang pinaguusapan sapagkat sa NBP, gamit ang mga cell phone, nagkakabilihan ng DROGA para sa BUONG PILIPINAS.
Nagtataka ang Philippine National Police kung bakit yung kanilang pinaplanong PAGLUSOB sa NBP  (nuong nakalipas na administrasyon) ay hindi nabigyan ni De Lima ng basbas, tapos sila Heneral Garbo at grupong nasa ilalim ni Executive Secretary Jojo Ochoa ang gumawa ng PAGHAHALUGLOG. Si Heneral Garbo ay pinangalanan ni Presidente Duterte bilang pinakamataas sa 5 sangkot na PNP NARCOGENERALS.


ADS
Loading...

Post a Comment

 
Top