0
ADS


Inalmahan ni Kris Aquino ang pagtawag na “Dutertards” sa ibang netizens na todo kung makapagtanggol kay President Rodrigo Duterte.

Pahayag ni Kris, “Number one, I resent calling anyone 'tards.'

“Kasi I have a special childso I'm sensitive to that, even if it's a term that is being used widely.”

Sa panayam ng piling entertainmenreporternoong Martes, Oktubre 11, inihayag ni Kris na ang kanyang simpatiya ay na kay President Duterte.

Ito ay sa gitna ng kaliwa't kananpambabatikos na natatanggap ng pangulo, dala ng kampanya nito laban sa droga at sa pagmumura nito sa mga personalidad na kontra-administrasyon.

Sabi ni Kris, “This will be a controversial statement, but I'll make it anyway.

“I know what it's like na every move you make, napipintasan ka.

“I know what it's like sa pinagdaanan ng brother ko, that for a certain segment ng population, walang tama.

“Pero ngayon, nananahimik siya, di ba? So, I'll take my cue from that.”

Ang kapatid ni Kris na si dating President Benigno 'Noynoy' Aquino III ay kilalang miyembro ng Liberal Party.

Noong nakaraang eleksyon ay todo ang suporta ng magkapatid sa LP standard-bearer na si Mar Roxas, na ilang beses nakipagpalitan ng maiinit na salita sa noo'y presidential rival na si Duterte.

Sa kabila ng kanilang political differences, iginiit ni Kris na suportado niya ang pamumuno ni President Duterte ngayon.

Paliwanag ng Queen of All Media, “If my brother is respectful enough to want to give this administration a chance to succeed, why won't I do the same?

“Siyempre there will be missteps. Hindi naman lahat kakampi mo.

“Pero ako, gusto ko na mag-succeed.”

Hindi man siya sang-ayon sa ibang kilos ni President Duterte, nararapat din naman daw bigyan ng pansin ang positibong nagagawa ng pangulo.

Pinakapabor daw si Kris sa plano ni President Duterte kaugnay ng health care at pagbaba ng estate tax.

“Siyempre dapat titingnan mo rin... merong nakakabahala pero merong magaganda.”

Sa huli, inulit ni Kris na mismong kapatid niya ay nirerespeto ang pamumuno ni President Duterte.

“But si Noy, nananahimik, e. He's been through enough to keep quiet.

“So, my God, natuto ako from him!

“There are certain battles worth fighting, and there are certain things na kung pinalaki ka nang tama...

“Isa siya sa konting nilalang na pinagdaanan kung anong meron ngayon si President Duterte, alam niya.

“You give space.”


Source:PEP
ADS
Loading...

Post a Comment

 
Top