0
ADS


Pumanaw na nitong Martes sa edad na 68 ang beteranong aktor na si Dick Israel o Ricardo Viscara Michaca sa tunay na buhay.
Ayon sa kaniyang anak na si Essex mag-aalas otso ng Martes ng gabi nang bawian ng buhay ang aktor sa bahay nila sa No. 128 Apitong Street J.P. Rizal Extension, Comembo sa Makati City.
Na-stroke ang aktor taon 2010 kung saan kalahati ng katawan niya ay paralisado.
Nitong nakaraang Hulyo, kumalat sa social media ang kalbaryo sa buhay na pinagdaanan ni Dick matapos masunugan ng bahay.
Nangyari ito habang hindi pa nakaka-recover ang aktor sa kaniyang pagkaka-stroke noong 2010 na dahilan para matigil siya sa pagtatrabaho.
Kaagad na nakarating sa kaniyang mga kasamahan sa industriya ang nangyari sa aktor at gumawa ng paraan upang magpaabot ng tulong sa isa sa mga itinuturing pinakamahusay na kontrabida sa Philippine showbiz.
Nakagawa ng mahigit 200 pelikula si Dick magmula nang pasukin ang industriya noong 1970's.  Lumabas din siya sa ilang programa sa telebisyon.
Nitong nakaraang buwan, itinampok sa GMA program "Wagas," ang buhay at pag-ibig ni Dick Israel at ng kaniyang maybahay na si Marilyn.
Mag-aala una ng madaling araw ng Miyerkules dinala na ang mga labi ng aktor sa St. Peter Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City ng kanyang anak na si Essex, kasama sila Nadia Montenegro, Ynes Veneracion, at Jeffrey Santos.
Inaasahan na alas nuwebe ngayong gabi bubuksan para sa public viewing ang mga labi ng aktor sa Isaiah Chapel.
Source:GMA NEWS
ADS

Visit and follow our website: We Blog Ph

© We Blog Ph

Loading...

Post a Comment

 
Top