Monday, February 27, 2017

Sen Trillanes, Hindi Daw Takot Makulong Uli o Ipapatay sa Pakikipaglaban Niya Kay President Duterte!

Handa daw makulong uli o mamatay si Senator Antonio Trillanes IV sa kanyang pakikipaglaban kay President Rodrigo Duterte. Nabanggit ito ng senador sa interview ng isang radio station, Linggo, February 26, dalawang araw matapos maaresto ng mga tauhan ng CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) si Senator Leila de Lima at ikulong.


“Sa akin naman, sige, gawin ninyo kung ano ‘yung gusto ninyong gawin. Hindi ako matitinag diyan. Nakulong na ako dati ng 7 taon. Pero kung aabot tayo diyan, ipapatumba nila ako dahil sa paninindigan ko, kasama po ‘yan sa mandato ko,” Sabi ni Sen Trillanes sa interbyu sa kanya ng radio dzBB ng GMA Network, patungkol kay President Duterte.

“Actually ako ‘yung uunahin dapat. Kasi nga gusto akong ipatumba. Hindi kakasuhan, pero ipapapatay. Sinabihan si LascaƱas [tungkol d’yan], after nu’ng pagkapanalo ni Duterte, sinabihan na galit na galit nga raw sa akin. Ngayon makikita n’yo rito na as Secretary of Justice, ‘yung paggawa nila ng kaso at pagpapakulong kay Senator De Lima, talagang para patahimikin ‘yung mga kumokontra sa kaniya (Duterte).” Dagdag ng senador.


Tugon ito ni Sen Trillanes sa binanggit ni DOJ (Department of Justice) Secretary Vitaliano Aguirre III nitong Sabado habang ginaganap ang pro-Duterte rally sa Luneta. Sa harap daan-daang libong Duterte supporters, tinanong nya kung sino ang gusto nilang susunod na makulong. “Si Trillanes!” sigaw nila. “Tulungan nyo ako!” Sabi naman ni Sec. Aguirre.

Kilala bilang matinding kritiko ni President Duterte, ipinirisinta kamakailan ni Sen Trillanes sa media ang retiradong Davao City pulis na SPO3 Arturo LascaƱas. Sa nasabing press conference, binago nya ang testimonya nya sa harap ng Senado, at ngayon ay idinidiin na ang pangulo sa mga sinasabing EJKs (extra-judicial killings) sa kanilang lungsod.

Nitong Biyernes, dinalaw ni Sen. Trillanes si Sen. De Lima sa kanyang unang araw ng pagkakakulong. Ayon sa kanya, hindi daw natitinag ang senadora, at nasa mabuti daw itong kalagayan. Binigyang-diin ng dating sundalo na di siya titigil sa pakikipaglaban kay President Duterte, at sinabing ipapakulong nya ito pagkatapos ng kanyang term sa 2022.

Visit and follow our website: WE BLOG PH

© WE BLOG PH

Loading...