Sunday, March 19, 2017

Austrian bishops, kinundena ang human rights abuses sa Pilipinas!

Tila nakahanap ng kakampi ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) matapos ipahayag ng Austrian bishops ang kanilang pagkundena sa mga human rights abuse na nagaganap sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Austrian bishops, kinundena ang human rights abuses sa Pilipinas!


Sa kanilang deklarasyon, kinukundena rin ng Austrian Catholic Bishops' Conference ang plano ng administrasyon na buhayin muli ang parusang bitay at pababain ang edad ng criminal liability sa 9 na taong gulang. 

Ayon sa General Assembly of the Austrian Catholic Bishops' Conference, suportado nila ang adbokasiya para sa katarungan ng CBCP kaya umano hindi sila titigil at gagamitin lahat ng kanilang kapangyarihan para ipaalam at tuldukan ang nagaganap na karahasan sa bansa kung saan halos 7,000 katao na ang napapatay. 

Samantala, welcome naman umano sa CBCP ang pahayag na ito ng Austrian bishops at nangakong ipaglalaban ang karapatan ng mga Pilipino sa lumalaganap na kultura ng pagpatay sa bansa.
Loading...