Sunday, March 19, 2017

READ ► Palit ulo video, walang kinalaman sa impeach raps vs PRRD

Pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo ang diumanoy kaugnayan ng paglabas ng kanyang video hingil sa "palit-ulo" scheme sa paghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. 



Paliwanag ni Robredo, buwan pa ng Pebrero nang ginawa ang naturang balita sa UN Commission at nagkataon lang na nailabas ito sa kaparehong araw ng pagsampa ng reklamo laban sa pangulo. 

Dagdag pa ng bise presidente, inilabas ang naturang video noong March 13 dahil ginamit ito sa 60th United Nations Commission on Narcotics Drugs annual meeting sa Vienna, Austria noong March 16.

Nilinaw rin niya na hindi siya kabilang sa grupong Magdalo na siyang nagplano ng paghahain ng impeachment complain laban kay Duterte.

Visit and follow our website: WE BLOG PH

© WE BLOG PH

Loading...