Tuesday, March 14, 2017

READ ► Pres. Rody Duterte, Ipinag-kibit balikat ang pahayag ng Beijing na hindi umano pagmamay-ari ng Pilipinas ang Benham Rise


Ipinagkibit-balikat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ng Beijing na hindi umano pagmamay-ari ng Pilipinas ang Benham Rise kahit na ipinagkaloob na ito ng United Nations sa bansa noong 2012.

Ayon kay Duterte, hindi ito ang panahon para ipaglaban ng Pilipinas ang soberanya nito sa China.

Dagdag ni Duterte, mas nanaisin niya makipagusap sa China kaysa maghamon ng away dahil hindi kaya ng pwersa ng Pilipinas ang lakas ng Beijing.

Naniniwala naman ang Pangulo na hindi magtatangka ang China magtayo ng gusali sa Benham Rise katulad ng mga itinatayo nito sa West Philippine Sea 

Matatandaan na kinumpirma ni Chinese foreign ministry spokesperson Geng Shuang na tunay na naglayag ang isang survey ship mula sa China malapit sa Benham Rise dahil iginigiit lamang nito ang freedom of navigation.


Source ► BrigadaNews

Visit and follow our website: WE BLOG PH

© WE BLOG PH

Loading...