Sunday, April 9, 2017

Local News ► Patay umano ang isang bata sa bugbog ng kanyang Amain! Dahil ayaw tumigil sa pag iyak!


Patay na nang dalhin sa ospital ang isang magdadalawang-taong-gulang na lalaki sa Magsingal, Ilocos Sur. Ang itinuturong dahilan ng maagang pagpanaw ng bata, ang pananakit na tinamo umano sa kaniyang amain.

Sa ulat ni Tina Panganiban-Perez sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing may nakita ang mga awtoridad na mga pasa sa katawan ang batang biktima na si Marjohn Ibañez.

Iniwan umano ng ina ang bata sa kaniyang kinakasamang si Basilio Tiqui para maglako ng mga paninda sa palengke.

Dinala ni Tiqui ang bata sa ospital dahil daw sa pagsusuka.
Hindi rin daw tumitigil sa pag-iyak ang bata kahit nang sinubukan niyang pakainin.
Pero kinalaunan, inaresto ng mga pulis si Tiqui nang malaman nila ang nangyari sa bata.

"Sa bahay nila doon nadatnan namin yung mother nung bata kaya nagtanong-tanong kami sa anak niyang isa, yung four years old kaya nasabi niya na sinuntok at parang siniko niya yung bata," ayon kay  P/Insp Arcadio Villoria, Chief-Magsingal police.

Itinanggi naman ni Tiqui ang paratang at sinabing nadapa ang bata kaya nagkapasa sa ulo, batay sa kwento ng anak.

Sinabi naman ng ina ng bata na maganda ang trato ni Tiqui bago siya umalis at ito pa raw ang nagpakain at nagpatulog sa bata.

SOURCE ► WBP , GMA

Visit and follow our website: WE BLOG PH

© WE BLOG PH

Loading...