Sunday, April 16, 2017

Publiko, pinag-iingat sa pekeng tseke ng SSS


Publiko, pinag-iingat sa pekeng tseke ng SSS

Nagbabala ang Social Security System (SSS) sa publiko laban sa mga kumakalat na pekeng mga tseke na nakapangalan sa naturang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay SSS Senior Vice President for Luzon Operations Group Josie Magana, nabiktima ng pekeng SSS check ang Catanduanes Supermart sa Virac, Catanduanes. 

Napag-alaman kasi ng ahensya na naglabas ang isang customer ng ID at P20,000 halaga ng tseke na nakapangalan sa SSS bilang pambili ng pinamiling produkto na inakalang valid ng cashier.

Nang i-deposito sa bangko ang tseke ay doon na nabisto na peke ang ibinayad na SSS check at ID ng customer matapos naman itong berepikahin ng ahensya.

Pinayuhan din ng SSS ang publiko na sakaling mabiktima o maaktuhan ang mga gumagawa ng ganitong katiwalian ay makipag-ugnayan sa SSS hotline na 920-64-46 hanggang 55 o mag-email sa member_relations@sss.gov.ph. |Jasmine Cruz

Visit and follow our website: WE BLOG PH

© WE BLOG PH

Loading...