Sunday, April 9, 2017

Shocking ►Babaeng nagse-selfie, nahulog sa tulay sa California!


Sugatan ang isang babae matapos na aksidenteng mahulog sa isang tulay sa California, USA dahil sa pagse-selfie.

Sa ulat, sinabi ng Placer County Sheriff na nahulog ang hindi pa pinangalanang babae sa Foresthill Bridge na may taas na 60 talampakan at tinuturing na pinakamataas na tulay sa California.

Bago ang aksidente ay nakitang kasama ng biktima ang kanyang kaibigan na naglalakad sa tulay kahit na mahigpit na ipinagbabawal na pumunta rito.

Pumostura ang biktima para mag-selfie subalit ito ay nawalan ng balanse hanggang sa tuluyang nahulog sa tulay.

Agad namang nakatawag ng tulong ang mga kaibigan ng biktima at isinugod sa pinakamalapit na ospital.

SOURCE ► WBP

Visit and follow our website: WE BLOG PH

© WE BLOG PH

Loading...