Saturday, May 20, 2017

WATCH: Pulis sa Iligan City Ginahasa ang Babaeng 16 anyos at Nangangarap Maging Pulis!

WEBLOGPH

Nahaharap sa kasong administratibo at forcible abduction with rape ang isang pulis na nagpanggap na sundalo nang ireklamo ng isang 16-anyos na dalaga sa Iligan City.

Ayon sa biktima, dalawang lalaking  armado ng baril at nagpakilalang sundalo ang sumita sa kanila habang sila’y nag-iinuman.

WEBLOGPH

Hindi raw nakapalag ang mga kasama ng biktima nang isakay ang dalaga sa tricycle ng mga suspek  at sinabing dadalhin daw sa himpilan ng pulisya dahil lasing na ito.

Ngunit  giit ng biktima, sa motel daw siya dinala ng suspek at doo’y pinagsamantalahan.

Ayon sa ulat ng GMA, ang isa sa mga suspek ay kinilalang  si P02 Berlyn Bigwas, habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng kasama nito.

Isinailalim na sa restrictive custody at inalisan na ng service firearm si Bigwas; ayon sa hepe ng Iligan City Police Office.

Dahil hindi pa raw tapos ang kanyang counter affidavit, tumangging magbigay ng pahayag si Bigwas.

Napag-alaman din na pangarap pa naman ng dalagita na maging alagad ng batas balang araw.

CLICK PAGE 2 TO WATCH THE REPORT!

1 2 
Loading...